"Dalawa lang ang habol ng tao sa pagbabasa: Matuto at Malibang. Dapat masapul mo isa man lang d’yan."
-Bob Ong(Stainless Longganisa)
There’s always something amazing about shooting in ‘guerrilla style’.
- Director Paul McGuigan tried to limit the use of digital effects as much as possible, recalling the great directors who didn’t have such means available to them yet made up for them with their imagination. In fact the only scenes in which green screens were used were the car chases, as Hong Kong traffic is very heavy.
- In order to deal with the constant bustle of Hong Kong, director Paul McGuigan and the crew decided to shoot the film “guerilla-style”, with the cameras hidden in vans, filming through small holes, and the actors doing their scenes in one take on the streets.
- The scene where Camilla Belle’s character Kira is kidnapped in a crowded street at gunpoint was filmed with no visible crew around, the camera being hidden in a van, yet no passers-by reacted.
-Source IMDB
For more Trivia click on the photo.
Mabuti pa sa lotto may pag-asang manalo, di tulad sa’yo imposible.
At kahit Mahal kita wala akong magagawa, tanggap ko oh aking sinta..
PANGARAP LANG KITA..
HIndi na ako aabot sa deadline.
Ito na ang oras kung saan pupunta ako sa may bintana at dadamhin ang hangin ng gabi, titingala sa langit at mag-aabang ng bituin.
Sana pwede ako humiling.
Oh Irog ko
Bakit sa tuwing tatangkain ko ang pumasok sa mundo mo may mga bagay na mangyayari kung sann mapipilitan akong lumayo. Bakit tila napakailap mo sa akin. Paulit ulit kitang hahabulin, paulit ulit mo akong haharangin. Ano ba ang meron ako at hindi mo ako kayang tanggapin? O marami pa ba akong pagkukulang kaya ayaw mo sa akin? Ang gusto ko lang naman ay ibahagi ang mundong aking nakikita para mas maunawaan ng iba. Pelikula Mahal kita, kailan mo ako aampunin?
Nalilito ako sa mga taong ang stand ay “Wag mawalan ng ‘pag-asa’ para sa Industriya ng Pelikula” pero ang standard naman ay mataas pa sa Oscars o Cannes.
Meron tayong tinatwag na “One step at a time” Tsong. Hindi lahat minamadali. Steady ka lang darating din tayo jan. Hindi tayo kasing yaman ng mga sinasabi mong bansa kaya sisiw lang sa kanila ang gumawa ng kahit anung klaseng pelikula, sa atin masuwerte tayo at may mga mamemelikula ang sumusugal pa din kahit alam nilang may posibilidad na hindi sila tangkilikin.
Ang paghahanap sa Gintong Pelikula
Ano nga ba ang batayan ng kwentong may ‘kwenta’ o kwentong basura? Basura ba agad kung gasgas na ang kwento pero may mensahe o aral naman sa huli? Eh baka naman kaya paulit ulit dahil wala namang pagbabago, wala namang nakikinig. Ginto na ba ang kwento kung kakaiba? Eh paano ito magiging kakaiba kung nangyayari ito sa totoong buhay at nakakrelate ka pa? Edi hindi na bago yun ‘di ba? Anu ba dapat ang tinitignan sa isang pelikula? Ang mensahe ba o ang bawat angulo na kuha ng Camera? Mahalaga ba kung sino ang gumanap oh naging bida? Cool ba ang pelikula kung kumikinang ang bawat eksena dahil sa mga special effects pero kung susuriin mo sa huli ay wala naman pinatunguhan ang istorya? Anu nga ba ang mahalaga? Meron nga bang Gintong Pelikula?
Pangarap lang kita..
NOW BEING ACCEPTED AT THE CCP MEDIA ARTS DIVISION. DEADLINE IS AUGUST 31, 2011.CALL FOR ENTRIES TO CINEMALAYA 2012!
"Angkinin ang bawat sulok at espasyong pinagkatiwala sayo"
-Bob Ong
(Stainless Longganisa)
Malayang Cinema
- Kahit anu pwede, kahit pinaka corny na story.
- Pwede mong tuligsain ang Industriya ng Pelikula, ang Simbahan, ang Lipunan at sanlibutan, pero tingin ko hindi mo pwedeng iwan na nakanganga ang bawat papasok sa loob ng sinehan.
- Mahirap manuod kapag may kasama kang “Technically Critic.” Yun tipong bawat angulo ng kamera oh bawat lapat ng musika eh may komento siya. Sobrang masakit sa tenga maniwala ka!
- Malapit ng maging mainstream ang Indie, minsan nakakalimutan na nila ang kalayaan ng pagkukwento ng may puso, malapit na silang maging “Patok sa Takilya”
Matayog ang lipad ng lobo ni Pepe
Sabi ni Ricky Lee at Bob Ong kung gusto mo daw maging manunulat ay dapat humble ka dahil marami ang nababaril sa gawa mo bago pa man ito maisa-publiko. Hindi mo pwedeng pairalin ang paglaki ng ulo kaya kung hindi mo matanggap na itama ng iba ang mali mo hindi para sa iyo ang pagsusulat. Okay lang kaya kung ang kwento ko ay may koneksyon sa hangin sa ulo ng mga nasa industriya pero wala pa namang napapatunayan? Eh kailangan bang may mapatunayan sila? Kanino naman?
